Magna Carta sa PH seafarers aprub sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Magna Carta sa PH seafarers aprub sa ikalawang pagbasa ng Kamara

March 2, 2023 @ 8:31 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng House of Representaties ang Magna Carta for Filipino Seafarers.

Sa ilalim ng House Bill 7325, binibigyan ang mga seafarer ng standard employment contract na naglalaman ng terms and conditions ng employment na aprubado naman ng Department of Migrant Workers, kasama ang pag-oobliga sa mga shipowners na magbigay ng disenteng tirahan at recreational facilities habang nasa barko ayon sa standards, regulations, at applicable provisions ng 2006 Maritime Labor Convention.

Binibigyang mandato nito ang mga may-ari ng barko ng proteksyon lalo na sa kalusugan ng mga marino sa pamamagitan ng libreng masustansiyang pagkain at libreng inumin.

Kasama rin sa layunin ng Magna Carta ay ang pagbibigay ng “green lane” para sa mga seafareres na magbibigay exemption sa kanila sa anumang travel-related o health-related movement restrictions.

Binibigyang mandato rin ng panukala ang lahat ng maritime higher education institutions na nag-aalok ng Bachelor of Science in Maritime Transportation (BSMT), Bachelor of Science in Maritime Engineering (BSMarE), at iba pang maritime degree programs na magkaroon ng sariling training ships o pumasok sa kasunduan sa mga lokal o international shipping companies, shipowners, o manning agencies para sa shipboard training ng mga estudyante.

“This is to protect the rights and promote the welfare of Filipino seafarers by providing a code of laws, or Magna Carta, [that] contains their rights, duties, conditions of employment, minimum requirements to work on a ship, and other entitlements, together with the duties and responsibilities of the shipowners and manning agencies,” ayon sa committee report ng panukala.

“This is also to recognize seafarers as essential workers that need special protection and grant them certain rights as maritime workers to ensure that they are treated fairly at all times, especially in the event of a maritime accident, epidemic, pandemic, or other natural or man-made crises,” dagdag pa rito.

Sakop ng panukala ang mga Filipino seafarers na employed, engaged, o nagtatrabaho sa foreign-registered ships at Philippine-registered ships. RNT/JGC