Magna carta sa seafarers lusot na sa Kamara

Magna carta sa seafarers lusot na sa Kamara

March 7, 2023 @ 11:22 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sa botong 304 na pabor at 4 na No votes, pasado na sa House of Representatives sa huli at ikatlong pagbasa ang House Bill 7325 o ang Magna Carta of Filipino Seafarers.

Layon ng panukala na matiyak na mabibigyang proteksyon ang interes at karapatan ng mga Filipino seafarers partikular na sa usapin ng kanilang employment, maritime accidents, epidemics o pandemics o anumang natural o man-made na krisis.

Sakop ng HB 7325 ang mga Pinoy seaman na nagtratrabago sa anumang kapasidad sa alinmang foreign-registered ships at Philippine-registered ships na nagooperate abroad.

Sa ilalim ng panukala ang mga seafarers ay may karapatan sa mga sumusunud:

  • Safe and secure workplace that complies with safety standards;

  • Fair terms and conditions of employment;

  • Decent working and living conditions on board a ship;

  • Health protection, welfare measures, medical care;

  • Self-organization;

  • Information about seafarer’s family;

  • Against discrimination;

  • Educational advancement and training;

  • Relevant information;

  • Free legal representation;

  • Appropriate grievance mechanism;

  • Access to communication;

  • Fair treatment in the event of a maritime accident;

  • Fair medical assessment.

Nakapaloob din sa panukala na ang standard employment contract ng mga seaman ay dapat nirebyu at aprubado ng Department of Migrant Workers (DMW) upang masiguto na ang mga kontrata ay walang paglabag sa karapatan ng mga seafarers.

“Seafarers shall be entitled to adequate compensation in the case of injury, loss or unemployment arising from the ship’s loss or foundering, in accordance with the SEC or the CBA (collective bargaining agreement),” nakasaad sa panukala.

Sa oras na maisabatas ay aatasan ang Overseas Workers and Welfare Administration na magestablisa ng seafarer welfare facilities o centers ajor crew-change ports partikular sa Metro Manila, Pangasinan, Bulacan, Cavite, Batangas, Iloilo, Cebu, Cagayan de Oro City, Davao City at iba pang lugar.

Magtatatag din ng One-Stop-Shop for Seafarers upang mas maging mabilis ang pagsasaayos ng mga papeles gaya ng licenses, permits, clearances at iba pang dokumento. Gail Mendoza