Magnitude 4.4 na lindol yumanig sa Surigao

Magnitude 4.4 na lindol yumanig sa Surigao

September 30, 2022 @ 3:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Surigao del Sur ngayong Biyernes, Setyembre 30.

Ito ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na sinabing naitala ang pagyanig maga-alas onse ng umaga kanina.

Naitala ang sentro ng lindol 63 kilometro hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur.

May lalim itong anim na kilometro at tectonic in origin.

Naitala naman ang Intensity I sa Tandag City, Surigao del Sur at ito ay aftershock ng magnitude 5.3 lindol na tumama rin sa Surigao del Sur nitong Miyerkules. RNT/JGC