Magnitude 4.8 na lindol tumama sa Pangasinan

Magnitude 4.8 na lindol tumama sa Pangasinan

November 19, 2022 @ 3:35 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang dagat na bahagi ny Pangasinan nitong Sabado, Nobyembre 19.

Ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan naitala ang sentro ng lindol 89 kilometro timog-kanluran ng Agno, Pangasinan.

May lalim itong 1 kilometro na tumama bandang 10:18 ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang Instrumental Intensity 1 sa Bani at Bolinao, Pangasinan.

Wala namang inaasahan na aftershock at pinsala sa nangyaring lindol. RNT/JGC