Magnitude 5.1 lindol yumanig sa offshore Antique

Magnitude 5.1 lindol yumanig sa offshore Antique

August 13, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang offshore Antique nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tumama ang tectonic quake kaninang alas-12:25 ng tanghali at may lalim na 6 kilometro.

Ang epicenter nito ay nasa 10.28°N, 121.83°E – 020 km S 32° W ng munisipalidad ng Anini-y. 

Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV – Anini-y, Tobias Fornier, at San Jose de Buenavista, Antique;

Intensity III – Belison, at Sibalom, Antique; Iloilo City; at

Intensity II – Bugasong, Barbaza, at Patnongon, Antique.

Walang inaasahang pinsala, ayon sa Phivolcs. RNT/SA