Magnitude 5.2 lindol umuga sa Abra!

Magnitude 5.2 lindol umuga sa Abra!

August 1, 2022 @ 7:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang magnitude 5.2 na lindol ang tumama sa Abra alas-2:48 ng umaga noong Lunes, sabi ng Phivolcs.

Sinabi ng volcano at quake monitor bureau na ang epicenter ng lindol ay naitala tatlong kilometro mula sa bayan ng Villaviciosa sa lalim na 22 km.

Ang mga sumusunod na intensity ay naramdaman sa Abra at mga kalapit na lalawigan:

Intensity V – Bantay, Ilocos Sur
Intensity IV – Bangued, Abra
Intensity III – Baguio City
Instrumental Intensity:
Intensity V – Vigan City, Ilocos Sur
Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur
Intensity II – Tabuk, Kalinga; Claveria at Penablanca, Cagayan
Intensity I – Baguio City; Dagupan City, Pangasinan; Ilagan, Isabela

Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang pinsala at aftershocks mula sa lindol.

Matatandaang tinamaan ang Abra ng killer 7.0-magnitude na lindol noong Miyerkules na sumira sa mga istruktura sa rehiyon at pumatay ng hindi bababa sa 10 katao. RNT