Magnitude 5.3 na lindol sa Camarines Norte, naramdaman din sa NCR!

Magnitude 5.3 na lindol sa Camarines Norte, naramdaman din sa NCR!

December 7, 2022 @ 1:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon ang mga empleyado ng Caloocan LGU sa Caloocan People’s Park matapos maramdaman ang lindol nitong Miyerkules ng hapon, Disyembre 7.

Inatasan ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lokal nitong Disaster Risk Reduction and Management Office na gabayan ang mga empleyado at siyasatin din ang structural integrity ng gusali ng City Hall at iba pang kalapit na lugar.

Sa impormasyon mula sa Phivolcs, niyanig ng Magnitude 5.3 na lindol ang Camarines Norte pasado ala-1 ng hapon at naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila. RNT