Magnitude 5 na lindol yumanig sa Cagayan – Phivolcs

Magnitude 5 na lindol yumanig sa Cagayan – Phivolcs

November 7, 2022 @ 5:20 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Dalupiri Island, Calayan, Cagayan nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 7.

Ito ay ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung saan tumama ang lindol sa nasabing isla 1:34 ng hapon.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 54 na kilometro.

Naramdaman ang Intensity III ng lindol sa Luna, Apayao at Pasuquin, Ilocos Norte.

Samantala, Intensity II naman ang naramdaman sa Lal-lo, Buguey, Lasam at Peñablanca, Cagayan.

Wala namang inaasahang aftershock at pinsalang naidulot ang pagyanig ayon sa Phivolcs. RNT/JGC