Magnolia Manok-ng-Bayan star Jio Jalalon nilalangaw sa trade market

Magnolia Manok-ng-Bayan star Jio Jalalon nilalangaw sa trade market

July 13, 2021 @ 11:39 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Wala umanong nagka-interest na koponan para kuhanin sa trade ang kontrobersiyal na si Magnolia HotShot “Manok ng Bayan”  player Jio Jalalon.

 “There are no offers on the table as of today,” ayon kay Magnolia governor Rene Pardo mataposa ng alisin ng PBA ang trade moratorium ilang araw bago ang simula ng pro league’s 46th season sa Biyernes.

Matatandaang sinuspinde si Jalalon ng PBA  at pinagbayad ng P75,000 fine dahil sa paglalaro sa isang outdoor basketball game na nakuhanan ng video na isa umanong paglabag sa closed-circuit set-up na pinaiiral ng PBA ngayon taon bilang pag-iingat sa COVID-19.

Matatandaang bukod sa kontrobersiyal na paglalaro sa ligang labas, inireklamo rin Jalalon ng kanyang asawa dahil sa pangangaliwa at pambubogbog.

Nitong Linggo, sinabi ng source na inilagay si Jalalon sa trading market ng management dahil umano sa kahihiyan at kontrobersiyang dinadala nito sa koponan.

Humingin naman ng dispensa si Jalalon sa kanyang nagawang pagkakamali pero sinabi ng source na bale-wala na ang sorry nito dahil nasira na nito ang pangalan ng koponan.

Hindi naman kunumpirma o itinanggi ng Magnolia management na nasa trading block si Jalalon, sinabi lang nito na bukas ang koponan para palakasin ang kanilang hanay.

“We are always open to trade talks. Depends on the trade offer always and if the PBA will approve it,” ani Pardo.

Kumakamada si Jalalon ng  averaged 8.6 points, 4.2 rebounds, 3.3 assists, at 1.4 steals sa kampanya ng Magnolia sa 2020 PBA Philippine Cup.RICO NAVARRO