MAGPALIWANAG SA SHOW CAUSE ORDER

MAGPALIWANAG SA SHOW CAUSE ORDER

June 30, 2022 @ 8:16 PM 2 months ago


WASTO ang panawagan ng Makabansang Alyansa (Makabansa) sa pangunguna ni Secretary-General Mati Sangco sa Department of Justice (DoJ) na kalampagin at ‘wag hayaang tila hindi pinapansin ni Bureau of Corrections ((BuCor) chief Gerald Bantag ang show-cause order na binigay ng una sa huli upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat sampahan ng kasong administratibo ukol sa isang media interview kay convic­ted Army Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. noong Marso 30.

Ani Sangco, dapat lang na bigyan ng makatarungang kon­klusyon ang show-cause order ng DoJ kay Bantag na tila ini­isnab nito ang nasabing kautusan ng ahensya.

“Ang pag-aksyon sa show-cause order ay maaaring magsilbing pagpapatuloy at pagpapalawig ng mga nasimulang reporma sa mga kulungan ng bansa,” dagdag pa nito.

Tinawag n’ya itong ‘crucial first step’ para maipagpatuloy ang mga reporma gaya ng pagwakas sa kontrobersiyal na VIP treatment ng high-profile inmates at masolusyunan ang problema ng jail overcrowding, prison understaffing, limitadong resources at mga probisyon sa batayang serbisyo.

“Nananawagan kami sa DOJ, lalo na sa bagong Justice Secretary na si Cavite Rep. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, na ituloy nila ang nasimulang reporma at pagbabago sa ating mga kulungan. Kailangang umiral ng patas ang batas sa loob ng ating mga piitan. Simulan natin ito sa mismong mga nagpa­patakbo ng sistema,” saad pa ni Sangco.

Pumalag si Mayor Tiangco

Hindi makatarungan, ayon mismo kay Navotas Mayor Toby Tiangco ang madawit ang kanyang pangalan bilang protektor daw ng agri-fishery smugglers.

Aniya, siya mismo’y nanawagan at sumulat kay Agriculture Secretary William Dar noong September 25, 2020 hinggil sa smuggling at diversion ng agricultural imported products ng Bureau of Fisheries and Aquatics Resources.

“The livelihood of most Navoteños involves fishing. They’re the most affected in cases of illegal smuggling,” aniya.

Nakagugulat na s’ya pang mapagbintangang protektor ng smugglers sa kabila ng dalawa sa apat na maliwanag na kaso ng smuggling sa bansa ay sa inisyatiba niya.