Magpapa-booster darami sa paglagay ng expiry date sa vax cards – eksperto

Magpapa-booster darami sa paglagay ng expiry date sa vax cards – eksperto

April 7, 2022 @ 7:14 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kung ang bakuna ay may expiration dates, dapat maging ang vaccine cards ay mayroon din.

Ito ang pinupunto ng mga grupo ng medical experts sa gobyerno sa layunin na pataasan din ang pagtuturok ng booster COVID-19 vaccination sa Pilipinas dahil na rin sa humihinang bisa ng bakuna sa gitna ng mga umuusbong na bagong variants.

Sa isang forum na inorganisa ng Philippine College of Physicians (PCP), nakiisa ang ilang medical at data experts sa panawagan ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Jose ‘Joey’ Concepcion IIII na palakasin ang booster vaccinations para maprotektahan ang bansa sa nagbabadyang COVID-19 surge.

“We need to have updated immunization cards. The tendency is for Filipinos to forget, and I think this [booster campaign] could be a good start, even for the other diseases,” ani PCP President Dr. Maricar Limpin.

“Having a separate card for the booster only emphasizes the importance of getting the booster,” aniya pa.

Ganito rin ang punto ni Dr. Nina Gloriani, chairperson ng Vaccine Expert Panel ng gobyerno.

“Walang forever sa bakuna (Vaccines don’t last forever)… The data is clear. We need to update the vaccination cards. Vaccine cards have to have validity,” ani Gloriani na isinusulong din ang pagpapabooster shot.

Sa ngayon, nasa 12 milyong Pinoy pa lang ang nakatanggap ng booster shots mula sa 65.6 milyong fully vaccinated na.

Isa sa posibleng dahilan nito ay ang pagiging kampante na ng mga Pinoy bunsod ng mababang COVID-19 cases sa bansa.

“It’s normal, you tend to be complacent when things are back to normal. There are many things we can do. We can restrict mobility or give incentives. We have done it in the past, people have criticized it, but it seems to have been effective,” ayon naman kay Concepcion.

“We can’t force people to take the vaccine, but we can do what we have been doing in the past: restrict movement,” dagdag pa niya.

Nauna nang iminungkahi ni Concepcion ang paglalagay ng expiration date sa mga COVID-19 vaccine card para sa unang dalawang turok na doses, para makapaghikayat na magpa-booster shot ang mga Pilipino. RNT