Magpaturok ng booster sa presensya ng BQ.1 variant – health expert

Magpaturok ng booster sa presensya ng BQ.1 variant – health expert

November 28, 2022 @ 10:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng infectious disease expert nitong Lunes ang publiko na magpaturok ng booster doses laban sa COVID-19 upang makaiwas sa ibang subvariants. 

Iniahayag ng Department of Health nitong Biyernes na natuklasan sa Pilipinas ang 14 kaso ng omicron subvariant BQ.1, na mas nakahahawa.

“Kasi the longer you are from getting the vaccine, mas matagal ka nang nakatanggap ng primary vaccine series mo, tapos wala kang booster dose, mas lalo kang vulnerable sa mga bagong mutations na ‘to ng COVID-19,” ani Dr. Rontgene Solante.

“Pero ganoon pa man, yung mga vulnerable population, may mga comorbidities, or yung mga nakatanggap ng primary vaccine series na hindi pa naka-booster, we encourage you to get the vaccine para at least masaya ang Christmas niyo at walang magkahawaan sa bahay niyo, at also protecting against the severe infection,” dagdag niya.

“The government will be having the National Vaccination Day, I think December 5-7. Pagkakataon na ‘to ‘no, na we need to encourage everyone to get the booster kung hindi pa sila nakakuha ng booster for us to prepare na pag medyo magpasko na, at least dagdag protection na hindi tayo magka-severe infection.”

Ang BQ.1 na sublineage ng omicron BA.5, ay itinuturing na variant of interest (VOI) ng European Center for Disease Control.

Inilahad din ni Solante na may presensya na ng BQ.1 sa 73 bansa. RNT/SA