Magpinsan na tulak timbog sa Bulacan buy-bust

Magpinsan na tulak timbog sa Bulacan buy-bust

September 3, 2021 @ 5:38 PM 10 months ago


Bulacan-Arestado ang magpinsan na pinaghihinalaang tulak matapos mabilihan ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte(SJDM).

Kinilala ng pulisya ang dalawang naarestong suspek na sina Enrico Guilalas y Arestorenas 44 at Roderick Mackay y Arestorenas,51 kapwa residente ng Skyline road,Brgy.Sto Cristo.

Sa report ni SJDM acting chief of police PLTCOL Julius Alvaro kay Bulacan Police director PCOL. Lawrence Cajipe,ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek bandang 8:15 pm nitong Miyerkules,September 1,taong kasalukuyan sa Skyline road,Brgy.Sto Cristo.

Ayon sa imbestigasyon ni PCPL Dexter Mabatas,nakabili ang poseur buyer sa magkasabwat na suspek ng isang transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu sa halagang P500 kaya agad sila inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang walong heat sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust items P20 drug money at P500 buy-bust money.

Sinasabing si Guilalas ay kabilang sa  Top 6 drug personality sa naturang lungsod.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang naarestong suspek na kasalukuyang humihimas na ng rehas na bakal.(Dick Mirasol III)