Magpinsang paslit nilamon ng batis

Magpinsang paslit nilamon ng batis

December 7, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


BACARRA, Ilocos Norte- MAAGANG binawian ng buhay ang magpinsan na pawang 3-anyos matapos malunod sa batis habang naliligo, iniulat kaninang umaga sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Abriana Kelly Pascua at Rheid Bernie Nieves habang nakaligtas ang isa pa nilang pinsan na si Arjay Pascua, pawang 3-anyos at residente sa Barangay Corocor, Bacarra.

Ayon kay Reynaldo Pumikpik, tanod ng naturang barangay, nakita ng kanyang anak na babae ang mga biktima na nagpalutang-lutang sa batis na sakop ng nasabing lugar.

Pagdating sa lugar naabutan na lamang nilang ang magpipinsan na nagpalutang-lutang kaya agad nilang itong tinulungan para iahon.

Agad naman dinala sa ospital ang mga biktima subalit idineklara na rin patay ang dalawa habang si Arjay ay patuloy na nilalapatan ng lunas.

Kwento ng ilang saksi, huli nilang nakitang naglalaro ang mga bata at posibelng nadulas ang mga ito sa gilid ng batis at nahulog na naging sanhi ng kanilang pagkalunod.

Sinabi naman ng ina ng isa sa mga biktima na naglalaba siya ng mangyari ang insidente at hindi niya inaasahan na pupunta ang mga ito sa batis./Mary Anne Sapico