Magsasaka, hinimok ni Villar na maging ‘climate-smart’

Magsasaka, hinimok ni Villar na maging ‘climate-smart’

April 22, 2019 @ 1:36 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Hinikayat ni Senador Cynthia Villar na gamitin ang lahat ng uri ng teknolohiya at kaalamanan upang labanan ang epekto ng El Nino at pabago-bagong klima sa pamamagitan ng pagiging “climate-smart.”

Sa pahayag, sinabi ni Villar na kailangan ng magsasasaka na labanan ang epekto ng El Nino upang sagipin ang kanilang pananim na maaaring matutunan sa mga farm schools o seminar na ibinabahagi ng Department of Agriculture at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“Our farmers will have better chances of beating El Nino and the effects of climate change if they are educated on the actions to be taken in order to avoid agricultural losses,” ayon kay Villar.

Kamakailan, iniulat ng  Department of Agriculture na umabot na sa P5.7 bilyon ang halaga ng pinsala ng El Nino sa mga pananim na palay at mais. 

Ayon kay Villar, nagbibigay ng training programs ang Agricultural Training Institute at farm schools sa buong kapuluan tulad ng Climate-Smart Farm Business School upang tulungan ang mga magsasaka na maging matatag sa kabila ng nagbabagong klima. 

Tinukoy ng Nacionalista Party Senator ang mga hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang negatibong epekto ng El Nino sa sektor ng agrikultura. Ito ay sa pamamagitan ng pagtatanim ng drought-tolerant seeds, cropping calendar adjustment, paggamit ng rainwater-harvesting system at cloud seeding.

Sa mga lokalidad na lubhang apektado ng El Nino, hinikayat ni Villar ang local governments na magdeklara ng state of calamity upang magamit ang icalamity fund para matulungan ang mga magsasaka na makaahin at makabawi sa pinsala.

 “We need these critical interventions so that our farmers, who are among the most vulnerable groups in climate change, would be guided on what’s best to do in terms of managing their farms in the face of this global dilemma,” sabi pa ni Villar. 

Sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) Farm Schools, tiniyak ng senador na suportado niya ang libreng pagsasanay ng mga magsasaka para sa ‘climate-smart agriculture. Ernie Reyes