Magsasaka ibinaon sa lupa sa away-lupa

Magsasaka ibinaon sa lupa sa away-lupa

January 31, 2022 @ 6:40 AM 8 months ago


CAGAYAN-Ito ang nakikitang anggulo ng pulisya na agawan sa lupa o land dispute at personal na away ang tinututukang ngayon ng pulisya sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa isang magsasaka San Agustin, Abulug dito sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Romel Galvan, 57 anyos at residente ng Purok 2, San Agustin, Abulug, Cagayan.

Ayon kay Police Major Ignacio Dijun Dinulong, hepe ng Abulug Police Station, maikukunsiderang may lead na sila sa imbestigasyon batay na rin sa mga nakalap nilang impormasyon sa mga kamag-anak ni Galvan.

Bago ang pagpatay kay Galvan nakaalitan din nito at tinaga ang kanyang kapitbahay.

Kung saan ay hindi naman nagreport sa pulisya ang pamilya Biscaro sa nasabing insidente.

May impormasyon din na ipapatumba si Galvan sa pamamagitan ng isang hired killer.

Sumapit ang gabi at dito na pinagbabaril ang biktima sa loob mismo ng kanilang bahay.

Kung saan ay dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo ang naging sanhi ng kamatayan ni Galvan. Rey Velasco