Magsasaka kulong sa magkaibang kaso sa Nueva Ecija

Magsasaka kulong sa magkaibang kaso sa Nueva Ecija

December 9, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kulungan ang hinantungan ng isang 31-anyos na magsasaka makaraang masakote ito nang mga operatiba ng kapulisan sa ikinasang manhunt charlie operation, sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija nitong Huwebes, Disyembre 8.

Sa ulat ng Bongabon police station sa tanggapan ni Nueva Ecija, Director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang arestadong suspek na si Mark Denver Lajom y Osotio, binata, residente ng Barangay Palomaria Bongabon, Nueva Ecija.

Sa report ng pulisya, ganap na 12:15 ng hapon ng maaresto ang suspek mula sa nasabing barangay, sa bisa ng warrant of arrest para sa di-umanoy kasong Homicide at Lascivious Conduct sa ilalim ng criminal case number CICL 018-P-22 at 4168 hanggang 4170-P-21 na inisyu ng korte sa Family Court, Branch 7, Palayan City Nueva Ecija na pinetsahan noong Disyembre 2, 2022 at Disyembre 14, 2021 at may may piyansa sa halagang Php 100,000.00 para sa kasong Homicide at Php 108,000.00 para sa Lascivious Conduct.

Ang naturang warrant ay natanggap ng nabatid na istasyon ng pulisya noong
Disyembre 2, 2022 at Pebrero 9, 2022.

Pansamantala ang suspek ay nasa kustodiya ng Bongabon police station, male custodial facility. Elsa Navallo