Magsasaka patay sa bomba

Magsasaka patay sa bomba

September 24, 2020 @ 7:16 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Maguindanao – Patay ang isang magsasaka makaraan masabugan ito ng Improvised Explosive Device (IED)  sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Yasser Guialudin, 28 anyos, may asawa at residente ng Sitio Gantong Barangay Tunggol General Salipada K.Pindatun Maguindanao.

Batay sa report ng GSKP Police Station, dakong 5:20AM ng Setyembre 23, 2020 nangyari ang pagsabog ilang metro ang layo sa bahay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ng otoridad, pagkagising ng biktima ay agad nitong inasikaso ang kanyang alagang kalabaw at itinali sa may damuhan na may lubluban ng tubig.

Dito, aksidenteng naapakan ng biktima ang bomba sabay sabog  na  naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang sugatan naman ang kalabaw.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung may kinalaman sa gagawin survey ng lupang pinag-aagawan ang itinanim na bomba./Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...