Magsasaka patay sa pamamaril

Magsasaka patay sa pamamaril

July 6, 2021 @ 12:57 PM 1 year ago


Isang 51-anyos na magsasaka ang natagpuang duguan at wala ng buhay makaraang pagbabarilin di-umano ng di pa tukoy na salarin, sa Barangay Bibiclat Aliaga, Nueva Ecija nitong Linggo, Hulyo 4.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nakilala na si Fred Corpuz y Soriano, may asawa, residente ng nasabing barangay.

Ganap na 5:00 ng umaga ng magtungo umano ang biktima sa kanyang farm, sakay ng minamaneho nitong Kawasaki   Bajaj   motorized   tricycle.

Samantala, ganap naman na 5:30 ng umaga ng madiskubre ng isang nagngangalan na Jessie Simbulan y Corpuz, 48, may asawa, magsasaka, ang nakahandusay na katawan ng biktima habang patungo umano ito sa kanyang bukirin.

Kaagad naman na ipinagbigay alam ni Simbulan sa asawa ng biktima ang kanyang nakita.

Ilang saglit pa ay may rumesponde nang grupo ng Scene of the Crime Operatives(SOCO) mula sa lugar kung saan naroon ang biktima.

Nagtakda rin ng follow-up investigation ang Aliaga Police Station para sa posibleng pagtukoy sa pagkakakilanlan ng salarin at kung ano ang naging motibo ng pamamaslang. ELSA NAVALLO