Magsasaka, tigok sa tali ng kalabaw

Magsasaka, tigok sa tali ng kalabaw

August 12, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


ILOCOS SUR-Tigok ang isang magsasaka sa bayan ng Cabugao ng lalawigang ito matapos magbigti gamit ang isang taling ginagamit na pantali ng baka o kalabaw.

Ang biktima ay isang 37-anyos na lalaki.

Bandang 2:00 ng hapon kahapon, isang magsasaka ang nagtungo sa bukid para magpastol  ng kambing ang nakakita sa biktimang may tali ang leeg at nakabitin sa isang sanga ng puno ng mangga.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Sa pagtatanong ng Cabugao PNP sa mga kamag-anak ng biktima,  madalas umanong nakikitang lasing ang biktima at madalas din silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang live-in partner. Rolando S. Gamoso