Magsasaka tigok sa tumaob na balsang kawayan

Magsasaka tigok sa tumaob na balsang kawayan

October 19, 2022 @ 6:45 AM 2 months ago


ILOCOS SUR – Dedbol ang isang 35-anyos na magsasaka na sumama sa pangingisda matapos tumaob ang sinasakyan nilang balsang kawayan sa Brgy. Calongbuyan, Santa ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 18.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang biktima na si Robert Flores y Tumalip, walang asawa, residente ng Brgy. Basbasa, Tayum, Abra.

Sa imbestigasyon, ang biktima kasama ang kanyang mga kamag-anak ay nagpunta sa Santa, Ilocos Sur para manghuli ng isda na kung tawagin ay “ipon”.

Habang abala sila sa panghuhuli ng isda, tumaob ang balsang kawayan na sinasakyan nila dahil sa mga sunod-sunod na naglalakihang mga alon.

Matapos nito ay napansin nilang nawawala ang biktima kaya agad nilang hinanap pero hindi nila makita.

Tumulong din sa paghahanap ang grupo ni Brgy. Capt. Genaro Cacho, Volunteer Deputy for Operation ng MDRRMO Santa, at pati ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard.

Matapos ang ilang sandali ay nahanap din ng grupo ang biktima pero hindi na ito humihinga. Rolando S. Gamoso