Magsasakang wanted sa Acts of Lasciviousness, kalaboso

Magsasakang wanted sa Acts of Lasciviousness, kalaboso

August 6, 2022 @ 10:32 AM 1 week ago


SANTIAGO CITY- Kalaboso ang isang magsasakang akusado sa act of lasciviousness sa isinagawang manhunt operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG-Santiago City Field Unit at Cordon Police Station sa Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Arnel Talattad, Team Leader ng CIDG-Santiago City Field Unit kay PCol. Reynante Panay, Regional Chief ng CIDG Region 2 ang akusado ay nakilalang si Jonathan Divina, may-asawa, 36 anyos at residente ng Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Norbert Bong Sabio Obedoza, Presiding Judge, MCTC, SJR, Cordon-Dinapigue, Cordon, Isabela ay isinilbi ng nasabing operatiba na resulta ng pagkaaresto ng akusado.

Batay sa warrant of arrest ng akusado ay may kinakaharap na kasong Acts of Lasciviousness (Art. 336 of the RPC) docketed under Criminal Case No. 4958 na may inirekomendang piyansa sa halagang P38,000.

Pansamantala nasa kustodiya ng CIDG-Santiago City Field Unit ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. Rey Velasco