Magsayo delikado kay Vargas 

Magsayo delikado kay Vargas 

July 2, 2022 @ 10:26 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni WBC featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo na magiging maganda ang kanyang kundisyon sa paghaharap nila ng mapanganib na si Rey Vargas  sa Hulyo 9 sa Alamodome, Texas.

Ayon sa Filipino Olympic boxer, umaabot umano sa halos 200 rounds ng sparring ang kaniyang ginagawa para gumanda ang kanyang timbang.

Sinabi ni Magsayo na malaking hamon ang laban niya kay Vargas dahil wala pang talo ang 31-anyos na Mexican sa 35 na laban nito na minsan ay naging world super bantamweight champion.

Matatandaang noong Enero ay tinalo ni Magsayo si Garry Russel Jr.JC