Magsayo hinamon ni Russel ng rematch

Magsayo hinamon ni Russel ng rematch

February 16, 2022 @ 5:49 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hinamon ni dating WBC world featherweight world champion Gary Russell Jr. si Filipino world champion Mark Magsayo ng rematch.

Matatandaang nagsagupa ang dalawa noong isang buwan kung saan naagaw ni Magsayo ang hawak na korona ni Russel via majority decision.

Ayon kay Russel, maaaring tinalo niya via knockout is Magsayo kung wala itong injury ng maglaban sila.

Nabahiran ng kontrobersiya ang laban matapos lumabas na lumaban si Russel na may injury sa kanang balikat at hindi nagawang bumato ng jab mula ika-anim na round.

“I think I proved how much better I am fighting with one arm. Sumakit ang braso ko sa pagtama sa ulo niya sa fourth round. Wala siyang ginawa para saktan ako. People, I felt, saw brilliance on January 22,” ani Russell.

“Sinasabi ko pa rin na nanalo ako sa laban na iyon—sa isang braso. Sumakit ang braso ko dalawang linggo bago ang laban. Ito ay isang dating pinsala na natamo ko bago ang 2008 Olympics. Nagkaroon ako ng punit na litid sa kanang balikat ko. Sinabihan ako na magpaopera, ngunit pinagaling ko na lang ang mga kalamnan sa paligid nito at epektibo pa rin akong lumaban.”

Nangangati na si Russel na patunayan na siya ang mas mahusay na fighter at sinabing tinalo sana niya sa laban si Magsayo kung wala siyang injury.

 “This is supposed to be about being hit, and not getting hit. I want another shot against him, depending on how injured my shoulder is. I know I was hitting Magsayo, and he wasn’t hitting me,” ani Russell.

“I would have stopped him. I would have got him out if I had two hands. I had him down from timing him, and I touched him at will.”Rico Navarro