Magsayo humiwalay kay Roach

Magsayo humiwalay kay Roach

October 5, 2022 @ 3:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang humiwalay ang dating WBC world featherweight champion na si Mark Magsayo kay Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Nagsimulang magsanay ang 27-anyos na si Magsayo sa Roach’s Wild Card Gym sa California nang dumating siya sa US boxing scene dalawang taon na ang nakararaan.

Sa ilalim din ng pagtuturo ni Roach na naging world champion si Magsayo nang talunin niya si Gary Russell Jr. sa pamamagitan ng majority decision nitong nakaraang Enero.

“Excited akong mag-train at excited para sa bago kong head coach,” anunsyo ni Magsayo sa kanyang vlog.

Habang hindi ibinalita ni Magsayo ang kanyang bagong koponan, nakita siya sa video training kasama ang kilalang Filipino boxing coach na si Marvin Somodio sa Brickhouse Boxing Club.

May record na  24-1 na may 16 knockouts bilang isang propesyonal na boksingero, sumabak si Magsayo noong Hulyo sa isang bigong title defense kontra kay Rey Vargas.JC