Magsayo kabado kay Vargas

Magsayo kabado kay Vargas

July 6, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Magsasagupa na sina Mark Magsayo at Rey Vargas para sa WBC Featherweight Championship ngayong Sabado ng gabi (Linggo ng umaga PH time)  sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Ito ang magiging unang title defense ni Magsayo mula nang mapatalsik sa trono ang longtime champion na si Gary Russell Jr. noong Enero.

 Si Vargas, samantala, ay dating WBC Super Bantamweight Champion at maghahangad na makakuha ng korona sa kanyang ikalawang weight class.

Ang labanan ay may mataas na pagkakataon na maging isang kapana-panabik na bakbakan dahil parehong walang talo ang dalawang boksingero at kapwa napatunayan ang kanilang championship-level caliber.

Bagama’t walang sinuman sa dalawa ang may matinding knockout power, parehong naman silang  nakapuntos ng higit sa 60% ng kanilang mga panalo sa karera sa pamamagitan ng knockout, kaya marami ang nagtatnong kung sino ang mas mahusay na knockout artist sa dalawa?

Si Mark ‘Magnifico’ Magsayo ay kasalukuyang may hawak na rekord na 24-0, kung saan 16 sa kanyang mga panalo ay dumating sa pamamagitan ng knockout. Ibig sabihin mayroon siyang knockout percentage na 66.67%.

Nagtala si Rey Vargas ng 35 panalo sa kanyang propesyonal na karera na walang talo, kung saan 22 sa kanyang mga panalo ay dumating sa pamamagitan ng knockout.

Nagbibigay ito na mas mataas na knockout percentage para kay Vargas dahil mas maraming knockouts ito sa pangkalahatan pero si  ‘Magnifico’ ay may mas malaking porsyento, ibig sabihin ay maaaring magkaroon siya ng kaunting bentahe sa power department.

Mahalaga ring tandaan na si ‘Magnifico’ ay nakaiskor ng mas maraming knockout sa kanyang mga huling laban kaysa kay Vargas.

Bago siya humamon para sa WBC Title, umiskor si Magsayo ng brutal na knockout laban kay Julio Ceja noong Agosto 2021. Bago labanan si Ceja, na-knockout niya si Pablo Cruz noong Abril.

Sa kabilang banda, napanalunan ni Vargas ang kanyang huling pitong laban sa pamamagitan ng desisyon. Hindi siya nakaiskor ng knockout mula noong Setyembre 2016 nang pigilan niya si Alexander Munoz sa ikalimang round.

Hindi ito nangangahulugan na ang dating WBC Super Bantamweight Champion ay hindi isang agresibong manlalaban.

Si Vargas ay may posibilidad na maging aktibo sa ring at mahilig maghagis ng suntok ng marami kung saan ang kanyang mga laban kina Ronny Rios at Oscar Negrete sa partikular ay nagpakita ng kanyang hilig sa volume punching.

Nagpakita rin ng hilig si Mark Magsayo sa maraming suntok salaban kontra kay Gary Russell Jr. noong Enero.

Ayon sa mga kritiko, ang  Magsayo vs. Vargas ay magiging labanan sa pagitan ng dalawang sumisikat na bituin.

Naghahangad si ‘Magnifico’ na magsimula ng mahabang paghahari bilang WBC Featherweight Champion habang si Rey Vargas ay nais na ipagpatuloy ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng pagkuha ng isang world title sa kanyang ikalawang weightclass.

 Ang labanan ay may maraming potensyal na maging isang kapanapanabik na paligsahan dahil ang parehong  fighter ay may ugaling palaban at hindi umaatras sa bakbakan.JC