Magsayo muling babangon

Magsayo muling babangon

July 18, 2022 @ 1:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang mga boxing analyst na mananatiling magandang atraksyon at marami pa rin ang gustong lumaban kay dating WBC world featherweight champion na si Mark Magsayo kahit bigo itong ipagtanggol ang kanyang korona laban kay Mexican Rey Vargas.

Ang 27-anyos na si Magsayo ay natalo sa pamamagitan ng split decision kay Vargas nitong nakaraang weekend sa Alamodome sa San Antonio, Texas. Sa kabila ng kabiguan, naniniwala ang mga kritiko na ang pagkatalo ay hindi katapusan ng kanyang karera.

Nananatili siyang isang kaakit-akit na manlalaban. Siya ay agresibo, malakas sumuntok, at dating kampeon sa mundo, kwento pa ng kritiko.

Yung pagkatalo niya kay Vargas, I don’t think it dented Magsayo’s reputation,” hirit pa ng mga kritiko.

“Maraming tao ang nakapansin na nakaka-excite siya at kahit na may mga puntos ay may tendency siyang humabol at maka-knockout. Hindi na siya makakabalik sa pakikipaglaban sa mga patsi dahil nasa spotlight siya ngayon.”

Idinagdag pa ng respetadong analyst na sakaling manatiling nakatutok si Magsayo sa kanyang karera, sandali na lamang bago siya muling makakalaban para sa isang world title.

“Ang featherweight ay isang malalim na dibisyon, hindi magkakaroon ng kakulangan ng mga de-kalidad na kalaban.

Kung mananatili siya sa kurso ay hindi siya magtatagal bago siya makakuha ng isa pang world title shot. The loss was not damaging but of course, he still have to improve,” wika pa ng mga boxing critic.JC