Magsayo vs undefeated Mexican Vargas, ikinakasa

Magsayo vs undefeated Mexican Vargas, ikinakasa

January 27, 2022 @ 5:31 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Hindi pa man nag-iinit si Mark Magsayo sa kanyang trono bilang WBC featherweight king at agad ng pinangalanan kung sino ang sunod nitong makakalaban upang ipagtanggol ang kanyang titulo.

Ayon sa ulat, hinirang si Mexico-based boxing body ang dating junior featherweight champion na si Rey Vargas bilang mandatory challenger ni Magsayo para sa kanyang unang pagdepensa sa 126-pound crown na katatapos lang nito mapanalunan noong Linggo kontra kay American Gary Russell Jr. sa pamamagitan ng majority decision.

Inanunsiyo ni WBC president Mauricio Sulaiman ang balita sa lingguhang online meeting na ‘Coffee Tuesdays.’

Si Vargas, na nananatiling walang talo tulad ni Magsayo, ay malugod na tinanggap ang pagkakataong lumaban para sa isang world title sa kanyang ikalawang laban sa featherweight matapos ang mahigit dalawang taong paghahari bilang WBC junior featherweight king.

“Wala na akong mahihiling pa. Going straight for the title (against Magsayo) makes me feel, very, very happy,” ani ng Mexican (35-0, 22 KOs), na dumalo sa meeting kasama si Hall of Fame trainer Nacho Beristain, at si Magsayo.

“We are the mandatory challenger, Mr. Sulaiman just confirmed it,” amo mg 31-year-old na si Vargas. “We knew we were going straight to the title. We just waited to find out who would win the fight between Russell and Magsayo, and since Magsayo is the new champion, then we are going against him.”

Wala pang nabanggit na petsa at lugar, sa title fight.

Si Vargas ay orihinal na nakatakdang harapin si Russell noong nakaraang taon, ngunit sa halip ay piniling tanggapin ang isa pang warm-up na laban matapos na maging stagnant ng higit sa dalawang taon dahil sa pandemya at pinsala sa binti.

Huling lumaban si Vargas kontra sa kababayang si Leonardo Baez sa undercard ng Canelo Alvarez-Caleb Plant undisputed super-middleweight championship fight, kung saan nanalo ito via 10-round unanimous decision.

Ang desisyon ni Vargas na umatras sa laban kay Russell ay nagbigay daan para kay Magsayo (24-0, 16 KOs) na pumasok bilang mandatoryong challenger kasunod ng kanyang 10th-round stoppage laban sa isa pang Mexican sa Julio Ceja Agosto ng nakaraang taon.

Itinuturing ni Vargas si Magsayo bilang isang mandirigma na hindi lamang umaasa sa kanyang lakas.Rico Navarro