Magtotropa nag-Tiktok; sirang tulay sa Dasma, bumigay, 8 patay!

Magtotropa nag-Tiktok; sirang tulay sa Dasma, bumigay, 8 patay!

July 29, 2022 @ 9:44 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa walo ang mga nasawi sa pagguho ng tulay sa Dasmariñas City, Cavite, ayon sa lokal na pulisya nitong Huwebes.

Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Dasmariñas Police chief Lieutenant Colonel Juan Uruga na narekober ng mga awtoridad ang bangkay ng huling biktima sa insidente na nangyari Martes ng gabi.

Ang biktima ay isang batang menor de edad, na natagpuan alas-4:49 ng hapon, Huwebes, sinabi ni Uruga.

“‘Yung mga barangay officials di nagkukulang ng paalala at pagsaway sa mga kabataan na tumatambay sa lugar na ‘yun. Matagal na po, 2014 pa lang hindi na pinatatambayan. Pinapipigilan po ng LGU (local government unit),” anang pulis.

“Sa katigasan ng ulo ng kanilang kabataan, ginagawang tambayan. Ginawan na ng paraan na maharangan, binakuran na rin po. Noong araw na yun, sinaway din ng mga barangay. Pag-alis ng mga barangay, bumalik at nag-Tiktok,” dagdag pa niya.

Batay sa inisyal na impormasyon, nasa 13 katao, karamihan ay mga kabataan, ang nasa lumang tulay nang gumuho. Lima ang nakaligtas sa insidente.

Sinabi ni Uruga na narekober na ang mga bangkay ng lahat ng biktima. Ang pamahalaang lungsod, ay nag-alok ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima, dagdag niya. RNT