MAGUGULONG LUGAR SA HALALANG 2022 BAWAS

MAGUGULONG LUGAR SA HALALANG 2022 BAWAS

March 28, 2022 @ 10:50 AM 3 months ago


AYON sa Philippine National Police, malaki ang ibinawas ng mga lugar na hot spot sa halalang 2022 kumpara sa  nakaraang halalang 2019.

Mula sa 946 hot spot noong 2019, nasa 540 na lang para sa Mayo 9, 2022.

Pero sa mga hot spot, may tinatatakang red areas o maaaring magkaroon ng pagdanak ng dugo ngunit kakaunti lamang.

‚ÄėYung bang === mula sa 1,438 hot spot na munisipyo, ¬†nasa 39 lang ang mga ito habang mula sa 146 na lungsod, pito lang ang delikado.

Noong 2019, nasa 540 ang red area mula nga sa 946 na hotspots.

Para sa ikalilinaw ng usapan dito, sinasabi ng PNP na noong halalang 2016, may 50 na pinatay na kandidato o suporter ng mga ito at  noong 2019 naman, may pinatay na 23.

Sa ngayon, bibihira pa lang ang namamatay at hindi pa malinaw kung konektado sa halalan o hindi.

GIYERA SA DROGA AT SERYOSONG PATAKARAN

Para sa atin, napakalaking bagay ang epektibong pagkontrol ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kandidatong nauugnay noon sa droga.

Kung nadatnan ng Pangulo ang walang habas na patayan sa pagitan ng mga kandidato, may kaugnayan dito ang mga narco-politician.

Gamit-gamit ng mga narco-politician noon kahit ang mga pulis at sundalo at may sarili pa silang mga tauhang tumbador para sa kanilang mga interes na humawak ng kapangyarihan.

Napakalaki ring bagay ang pagkakaroon natin ng kapayapaan sa Mindanao.

Nabawasan nang malaki ang mga armadong grupo na nagdidikta ng kung sino ang iboto ng mga tao.

Ang hindi sumunod, mamamatay.

Kahit sino, alam ng lahat na naglipana ang armas sa Mindanao noon mula sa mga rebelde at terorista hanggang sa mga politikong warlord.

Nadurog din ang terorismo sa Mindanao na talaga namang grabe ang idinudulot nitong karahasan sa mga halalan.

Naririyan din noon ang mga politikong warlord kahit saang probinsya ng bansa at may mga warlord ding nasa mga lungsod at munisipyo.

Nang dumating ang administrasyong Duterte, malaki ang ibinawas ng mga ito.

LOKAL NA PULITIKA

Karaniwang mga lokal na politiko ang lumilikha ng mga karahasan para sa mga pansarili nilang interes.

Ngunit bago dumating ang administraysong Duterte, may mga kandidatong nasyunal ding sangkot.

Isa sa mga halimbawa rito ang kasong ikinamatay ng nasa 33 mamamahayag sa tinatawag na Ampatuan massacre sa Maguindanao.

Inabuso ng isang angkan ang koneksyon nila sa mga pambansang politiko ngunit hindi rin nagpatumpik-tumpik na kumilos ang pambansang pamahalaan upang kalusin ang nagsagawa ng Ampatauan massacre.

Noong wala pa ang Duterte government, bago at makalipas ng halalan ay may mga patayan.

Pinakaepektibo kasing paraan ang pagpatay para manalo ang isang kandidato o kaya’y para mahinto ang paghahari ng mga nanalo.

Sa halalang ito, wala pa tayong naitatala na malinaw na patayan na nauugnay rito.

Sana, magpapatuloy ang kalagayang ito para makamit ng bansa ang mapayapa at tamang pagpili ng mga magiging lider ng bansa mula sa mga munisipyo hanggang sa Palasyo.