Maguindanao, bantay-sarado ng Comelec kasunod ng roadside blast

Maguindanao, bantay-sarado ng Comelec kasunod ng roadside blast

April 20, 2022 @ 6:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigpit nang binabantayan ng Commission on Elections sitwasyon sa  Maguindanao kasunod ng nangyaring pagsabog sa convoy ng tumatakbong gobernador sa probinsya.

“We are now closely monitoring the situation in Maguindanao and we are waiting for the advice of our [Philippine National Police] and [Armed Forces of the Philippines] on the matter,” ani Commissioner George Erwin Garcia.

Nitong Martes nang maiulat ang isang roadside blast sa bayan ng Upi kung saan nasugatan ang isang tagasuporta ni reelectionist Maguindanao Governor Mariam Sangki-Mangudadatu.

Kinilala ang biktima na si Abdulrauf Usman, 32-anyos, residente ng Brgy Talibado, na nagtamo ng tama ng sharpnel sa ilang bahagi ng kanyang katawan.

Una nang isinailalim ng poll body sa ilalim ng kanilang kontrol ang mga bayan ng Tubaran at Malabang sa Lanao del Sur na katabi lamang ng Maguindanao. RNT/ JCM