Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu ikakasal na kay beauty queen Sharifa Akeel — NCMF

Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu ikakasal na kay beauty queen Sharifa Akeel — NCMF

August 23, 2021 @ 3:14 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Ikakasal na si Second District Maguindanao Representative Esmael “Toto” Mangudadatu at Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel sa Agosto 25, batay sa anunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations.

Gaganapin ito sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Nakasaad sa imbitasyon na limitado lamang ang magiging bisita dahil sa sinusunod na  safety protocol sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inatasan din ang guests na magsuot ng face shield at face mask gayundin ang formal dress code wna may nude-colored motif.

Si Sharifa Akeel ay dating guro at lumaki sa Lebak, Sultan Kudarat. RNT/FGDC