Maguindanao split oks sa ‘democratic competition’-eksperto

Maguindanao split oks sa ‘democratic competition’-eksperto

September 13, 2022 @ 10:49 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magiging mabuti para sa democratic competition ang paghahati sa Maguindanao, ayon sa isang eksperto.

Ang komento ni Atty. Benny Bacani ng Institute for Autonomy and Governance ay bago ang gagawing plebesito na magtatakda kung hahatiin ba sa dalawa o hindi ang lalawigan na itinakda sa Sabado, Setyembre 17.

Giit ni Bacani na ang paghahati sa lalawigan sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur ay lilikha ng mas maraming elective posts sa lugar.

Kung magpapatuloy ang paghahati, mamumuno sa Maguindanao del Sur si incumbent Governor Mariam Mangudadatu habang si Vice Governor Ainee Sinsuat naman ay gagawing gobernador ng Maguindanao del Norte.

“Dadami yung mga elective positions, so that opens also more opportunities for more political players come 2025. So sabihin na natin na, politically, eh mas magkakaroon ng mas maraming opportunity kasi there will be more elective positions na, kasi dalawa, na ung probinsya mo eh kaysa yung isa, which, in a way is good for democratic competition,” paliwanag niya.

Iginiit niya na makatutulong din ito sa pagbaba ng insidente ng political war na umuusbong sa probinsya bunsod ng pag-aagawan sa pwesto sa gobyerno.

“Alam naman natin, na ang source of conflict din talaga dito are political. So in a sense that will also help, sabihin nating manage yung political conflicts especially during elections.” RNT