Magulang at militanteng grupo nagkairingan sa Liwasang Bonifacio

Magulang at militanteng grupo nagkairingan sa Liwasang Bonifacio

May 12, 2022 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagkairingan ang ilang mga magulang at mga miyembro  ng militanteng grupo  sa Liwasang Bonifacio sa Maynila makaraang pilit na kinikuha ng isang ina ang kanyang anak na umanoy ni-recruit ng militanteng grupo.

Sa pakikipagtalo ni Gng.Relissa Lucena sa miyembro ng “Yakapin ng magulang Philippines”, giit nito na makuha ang kanyang anak na si Aj Lucena na 19-anyos pa lamang.

Ayon sa ginang, hinimok ang kanyang anak sa Far Eastern University (FEU) sa Maynila apat na taon na ang nakalilipas.

Aniya, ang kanyang anak ay nirecruit ng Kabataan Party List at Akbayan para sumama sa militanmteng kabataan.

April 2021 naman nang mabawi niya ang anak ngunit muling kinuha ng militamnteng grupo.

Giit pa ng ginang, nakita niya sa Liwasang Bonifacio ang kanyang anak pero bigla na lamang itong nagtago.

Nakikusap ang ginang sa miyembro ng militante na maibalik sa kanya at mabawi ang kanyang anak dahil ito ay mayroong pinagdadaanang psychological condition.

Itinanggi naman ng grupo na wala sa kanila ang kanyang anak .

Umalma rin ang grupo nang i-red tag at sabihin ng ginang na sila ay mga kasama ng teroristang grupo na NPA.

Agad namang namagitan ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) sa nagkakainitang diskusyon at pinakiuspaan na maging mahinahon .

Ang mga militanteng grupo ay tatlong araw nang namamahay sa Liwasang Bonifacio at patuloy na nakikipaglaban at isinasigaw ang naging resulta ng halalan kung saan nangunguna pa rin  si dating senator Bongbong Marcos Jr sa unofficial at partial counting. Jocelyn Tabangcura-Domenden