SIR, gud pm!
Nagsagawa ng operation ang Inter-Agency Council for Traffic (IACT) laban sa mga provincial bus at ayaw patuluyin ang mga ito sa lungsod ng Pasay.
Ang gusto nila, lahat papasok sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at dito na nagkakagulo.
Grabe, Sir, kawawa ‘yung mga tao at commuter na nagtatrabaho dahil late na sa mga pinapasukan dahil hindi makausad ang mga bus papasok at palabas ng PITX.
Kaya napakarami o halos ng mga tao naglalakad na lamang.
Wala sa ayos ang sistema ng PITX at ng IACT.
Sobrang pahirap.
Naglibreng sakay nga sa mga Edsa Carousel, kaso tumitigil ang bus pagdating ng 11 midnight.
Tapos wala pang bus at limitado ang free ride.
Hindi kayang kargahin ng mga city bus ang lahat ng laman ng mga bus galing ng probinsya.
BAKIT HINDI HINUHULI NI COL. ISON ANG SUGALAN?
Puntahan natin at silipin ang Santa Rosa sa Centennial area sa Laguna at alamin natin itong kung kanino itong peryahan na front ng iligal na pasugalan.
Isang alyas Adrian ang umano’y pumuputok na ope-rator ng nasabing pasugalan pero ang nakapagtataka rito, tila hindi ginagalaw ni Laguna COP Col. Cecilio Ison.
Bakittttt???
Ah eh, itanong na lang pala ninyo kay Col. Ison kung bakit!
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]
DILG IGINIIT ANG PAGSUNOD NG MGA BARANGAY SA “KASAMBAHAY REGISTRATION”

June 24, 2022 @2:57 PM
Views:
88
Upang mabigyan ang marami nating Filipinos Kababayan ng sapat na proteks’yon at tulong pinans’yal laban sa pagkakaroon nila ng mga karamdaman. Mas pinalawak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pribilehiyo ng mga Kasambahay dahil sila ay maaari nang maka-avail ng No Balance Billing (NBB) sakaling ma-confine sa mga pampublikong ospital.
Ayon sa Batas Kasambahay o Republic Act 10361, ang mga Kasambahay ay ang mga gumaganap ng mga pantahanang gawain katulad ng karaniwang Kasambahay, tulad ng Yaya; Kusinera / kusinero; Hardinero; Labandera (maglinis, magluto, maglaba, mag-alaga ng bata at matanda, mamalantsa, mag-ayos ng hapag-kainan).
Muling nagbigay paalaala ang DILG o ang Department of the Interior and Local Government sa 42,046 na Barangay sa buong bansa kaugnay sa pagkakaroon ng “registration system” para sa mga kasambahay at pagseseguro na sumusunod ang mga amo sa karapatan at benepisyo ng mga ito bilang bahagi ng labor force ng bansa.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, nasa 3,359 Barangays lamang ang sumunod sa probisyon ng Republic Act No. 10361 o ang Domestic Workers Act” o ang Batas Kasambahay.
Ipinag-utos n ani secretary Año sa mga Punong Barangay ang pagsunod sa kautusan ng batas.
Sabi pa ng kalihim, dapat malaman ng mga Punong Barangay na sa pag-aala at serbisyong ibinibigay ng mga kasambahay sa mga tahanan lalung-lalo na sa mga magulang at kanilang mga anak, karapat-dapat lamang ang mga domestic workers na ito na sigurado ang kanilang kaligtasan.
Batay sa datus ng DILG, ang Bicol region ang siyang nakapagsagawa ng maraming kasambahay registration na nasa 627, kasunod ng Western Visayas, 584, at ang Eastern Visayas na may 499. Ang ibang mga rehiyon ay mababa pa sa 200 ang isinumiteng listahan.
Binigyang diin ng DILG na sa ilalim ng batas ay naging karagdagang responibilidad ng Punong Barangay o mayor ang ligtas at maayos na kalagayan ng mga kasambahay kabilang sa pagpaparehistro sa SSS o Social Security System, PHILHEALTH o ang Philippine Health Insurance Corporation, at sa Pag-IBIG Fund.
Sa kasalukuyan, nasa 32,902 na ang naitalang mga kasambahay sa buong bansa.
MONKEYPOX PANDEMYA NA; GERMANY BABAGSAK

June 24, 2022 @2:16 PM
Views:
84
HINDI pa tayo natatapos sa pandemya na dulot ng coronavirus disease-19, heto na naman ang isang pandemya, ang monkeypox, krisis sa Europa.
Idineklara na ang monkeypox na public health emergency ng World Health Organization dahil napasok na nito ang 58 bansa at 42 dito ang may marami nang kaso.
Mabilis ang pagkalat nito na dumaraan sa tao sa tao at hayop sa tao at tao sa hayop.
Sentro ngayon ng monkeypox ang Europa habang meron na rin sa Africa na mayroon nang patay, mula sa United States hanggang Central America at Latin America, mga Arabong bansa at Western Pacific gaya ng South Korea at Japan.
ANO ANG MONKEYPOX?
Ang monkeypox ay isang bulutong na maaaring libo-libo na tatama sa isang tao na maaari niyang ikaospital o ikamatay.
Karaniwang tumatama ito sa mukha, palad, sakong, mata at ari at pagbitak nito, maaaring puti o dilaw na likido ang lalabas.
Sintomas nito ang lagnat, matinding sakit sa ulo, pananakit ng kalamnan, panghihina ng katawan at pantal sa katawan.
SERYOSONG KALAGAYAN AT KAMATAYAN
Sinasabing kapag kinapitan ang isang kapangangak lang na baby o iba pang bata at may edad na mahina ang resistansya o pangontra rito, maaari siyang maospital o mamatay.
Maaari ring mabulag ang pasyente o magkaroon ito ng pneumonia na matindi.
Sa rekord mula sa mga bansang nagkaroon na ng monkeypox, sa bawat 100 na nagkakasakit, nasa 3-6 ang namamatay.
Sa ngayon, may 58 nang bansang napasok ng sakit na ito.
BABALA SA LGBTQ AT ISANG KASO
Kaugnay nito, nagbabala na ang WHO sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender at queer na sila’y madaling matamaan nito.
Lalo na umano ang mga lalaking nakikipag-sex sa mga kapwa nila lalaki.
Napag-alaman ito mula sa mga pasyente na nakikipag-sex sa hanay ng mga LGBTQ.
Dapat na ring intindihin umano na sa isang kaso lamang sa isang bansa, isa na itong outbreak o simula ng mabilis na pagkalat ng virus ng monkeypox.
O maghanda-handa na ang lahat laban sa nakamamatay na sakit na ito.
GERMANY MAGHIHIRAP VS RUSSIA
Inalisan na ng suplay ng Russia ang Germany ng natural gas, kasama ang ilang bansang nagbibigay ng suporta sa Ukraine.
Sa ngayon, nasa 50 porsyento lang ang suplay ng Germany ng natural gas para sa isang taon at pinangangambahan na rito ang pagdating taglamig sa mga buwan ng Disyembre, Enero at Pebrero.
Maaari umanong manghina o babagsak ang ekomiya ng Germany at magkakaroon ng maramihang kamatayan nito sa taglamig.
At kung manghihina o babagsak ang Germany sa paghinto ng maraming pabrika nito at negosyo, marami ang mawawalan ng trabaho at maghihirap.
Madadamay na rin umano rito ang iba pang mga bansang sumusuporta sa Ukraine sa laban nito sa Russia.
Ang Germany ang pusod at gulugod ng European Union na kung manghihina at babagsak, susunod na rin ang 26 bansang miyembro ng EU.
Tiyak na magkakaepekto ito sa atin sa Pilipinas at dapat na rin tayong maghanda laban sa napipintong krisis at isa sa maaapektuhan nang matindi ang libo-libo o milyong overseas Filipino worker sa EU.
SINGLE PARENT AT SOLO PARENT MAY PAGKAKAIBA BA?

June 24, 2022 @2:14 PM
Views:
96
May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?
Opo. Ang mga kinukonsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act.
May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya ‘p
ag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents.
Maraming Single Parent ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang status sa buhay ay kwalipikado, ayon sa batas.
Pero hindi lahat ng Single Parent ay maituturing na Solo Parent. Halimbawa ang isang Single Mother na sinusuportahan naman siya at ang kanyang anak ng ama ng bata. Sa batas, isang elemento sa pagiging Solo Parent ay “Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood”.
Kaya ‘pag may simpatyang natatanggap mula sa ibang tao sa pag-aaruga at pagpapalaki ng anak hindi siya matuturing na Solo Parent. Kaya’t hindi siya kwalipikado sa mga benepisyo sa ilalim ng Solo Parent Act.
Pero paano kung kulang ang binibigay na suporta o kaya naman kailangan pang idemanda ang ama ng bata? Pera lang ba ang kailangan ng Solo Parent?
Ito ang isang nakikita ng inyong lingkod na maaring amaikonsidera ng ating mga mambabatas na kahit nakatatanggap ng pera ang ina ng bata ay maari pa rin siyang ikonsidera na solo parent at ma-avail nya ang mga benepisyo sa ilalim ng batas.
Maari kayang idagdag bilang Solo Parent ang mga sumusunod:
-
a) Parent Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood Receiving Financial support to the child/children but such amount is inadequate for everyday subsistence, education and other basic needs of the child/children.
-
b) Parents receiving financial support by virtue of a court order or decision?
Ang dahilan ay simple – kung hindi sapat ang suporta, dapat ang batas ang magpuno ng pagkukulang dahil bakit ipagkakait nating ang benepisyo ng batas kung ang ipinaglaban lang naman ng magulang ay kapakanan ng kanyang anak?
o0o
Atty. Ariel Inton, Jr.
President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCS), 09178174748.
MABUTI NA LANG (3)

June 24, 2022 @2:12 PM
Views:
81
Masaya sa pakiramdam na ang mga dating pinapanood ko na istorya sa film series at hinahangaang tao ay nakasama ko na, nakaeksena at naging kaibigan pa. Isang bagong pamilya na masaya na puno ng biruan, tawanan, harutan, lambingan at tampuhan din pero panandalian lang.
Salamat kay Direk Ranz Gonzales, Mam Agnes Valencia, kina Asst. Directors Jerome Saldivar Vaso Zack Padilla at Win Cabigting, actors at actresses na sina Paps Mark Allen Caguioa, Paps Clark Iverson Blancaflor, Paps John Robert Calara, Paps Lj Russell, Paps Zidane Hernandez, Paps Red Orfrecio, Moms Mystica Solla Barata, Moms Alexa France, Moms Chloe Valencia, Moms Rhicia Fhaye at sa mga baguhang magaling din sa Mystery of Love na sina Paps Aldrin Cañeba Bagas, Paps Juan Miguel Genova, Vincent Hernandez, Sean Paul Alcoriza, JC Santiago at Albert Riego. Gayundin sina Paps Adrian Bigboy Apruebo, Grey Ramos, Joelito Melancolico, Prince Bryan Arnobit Ramos II at sa mababait ding cameramen na sina Paps Patrick David Sumang, Macoy Lorenz Bacolor Rafael, Princess Jamaica Santiago Baltazar, Mama Mhar Selaznog, Mama Iwa Bascovilla, Limuel Castillo, Kylie Roxas, Christian Rodriguez at isang tao na mabait din at hinahangaan ko pero hindi muna babanggitin.
Biro nga ng ilang katropa at kaibigan ko, dahil hindi raw ako pinalad sa halalan bilang Konsehal ng Indang, Cavite, baka raw wala sa pagiging politician ang linya ko kundi sa pag-aartista. Hehehe.
Sabagay, wala naman talaga sa edad kundi nakasalalay sa karakter na gagampanam mo at sa paraan ng pagganap mo kung paano mo ito ginagampanan. Malalaman kung may susunod pa at kung ang pagbubukas na ito ng pintuan nina Direk Ranz at Mam Agnes ay masusundan pa at magtutuloy-tuloy pa ba.
Special thanks kina Mr. Danilo Sayarot, Mam Rachelle Lanuza, Mam April, Ate Cristy Ramos Lapating and staff sa Villa Feliciana Farm, Resort & Hotel; Kapitan Virgilio Fidel, Madam Nedilyn Fidel, Sir Vergel Fidel, Mam Nyla Mae Cruz and staff sa Kap Vergel Events Place and Camping Site / Billion Link Construction, Mr. Marianito V. Nuestro na Indang MunicipalTourism Officer ng Indang, Cavite at Hon. Danilo Villanueva Masangcay na Municipal Councilor ng Indang, Cavite.
Sa mga kapwa ko taga-Indang na nahila ko ring gumanap na sina Judel Garcia Prudenciado, Jc Aspiras, John Gabriel Panaligan, Ate Gloria Mendoza at Ariel Galias Rubenecia.
Sa mga nakatulong sa iba’t ibang kaparaanan behind the scenes, Kagawad Edmar Pareno ng Brgy. Alulod, Indang, Cavite, Bro. Ronie Cabaltera, Kuya Michael Olase, Niece Raia Alecshia Garcia, Inay Bienvenida Avilla Del Rosario II, Ate Ronilda Del Rosario Garcia, Bayaw Jayson Dimapilis Garcia, Kuya Alex Silan, Paps Aeyz Knowel Espineli, Parekoy Berlin Cortez, Kuya Leigh Geronimo, Fiona Heiley Pareño, Kuya Richard Pena Rodrin, Ate Nilda Gorpido at Ate Liezel Vidallo Rosarda of Day to Day Store, salamat din po sa inyo.
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat and GOD bless po sa inyong lahat na mga nagtiwala sa akin at nakasama ko sa Mystery of Love.
Hay naku, mabuti na lang….
DAR ACTING CHIEF SINIBAK SA PWESTO NG PALASYO

June 24, 2022 @2:11 PM
Views:
111