MAHAL NAMIN ANG JEEP O’ MAHAL ANG JEEP?

MAHAL NAMIN ANG JEEP O’ MAHAL ANG JEEP?

March 18, 2023 @ 12:59 AM 2 weeks ago


SABI ng Landbank of the Philippines at  Development Bank of the Philippines, pawang mga banko na magpapautang sa ating jeepney drivers para makabili ng makabagong jeep sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program kung saan dapat ang presyo ng mga bagong jeep ay ayon sa kakayahang makabayad  ng mga driver.

Ito ang inihayag nina DBP vice president Rustico Noli Cruz at LBP assistant vice president Genoroso David sa pagdinig ng komite sa transportasyon ng Kamara.

Ang abot kayang presyo, ayon sa dalawang banker, ay dapat nasa P1.6 hanggang P1.8 milyon kada bagong jeep.

Ang kaso, sa ngayon, ang presyo ng mga bagong jeep ay pumapalo na P2.3 million hanggang P2.8 million. Paano mangyayari ngayon ang sinasabi ng DBP at LBP?

Sagot nitong si Cruz ng DBP, ang buwanang bayarin ng mga jeepney drivers dapat ay nasa P38,000 hanggang P40,000 sa loob ng pitong taon.

Ito raw ang dahilan kaya dapat maglagay ng price ceiling sa kada bagong unit ng jeep. Dahil kahit magbigay ng subsidy ang pamahalaan at kahit babaan nila ang interes di kakayanin ng mga tsuper ang pagbabayad.

Sa hanay naman ng mga PUV jeep, kahit naman daw kakarag-karag ay kaya nilang retokihin ang kanilang panghanapbuhay para lamang makasunod sa gusto ng ating mga pamahalaan.

Ang mga local manufacturer nga natin ay may desenyo naa rin na hindi binabago ang sinasabing “iconic look” ng mga tinaguriang “king of the road” – ang jeepney.

Pinagtataka ko lang bakit pinipilit na mabili ang mga tila kahon ng sapatos na sinasabi nilang modern jeep, eh mga mini-bus na ‘yun kung maituturing.

May kumikita rito, malamang! Kaya ang tanong mahal ba natin talaga ang king of the road? O’ mahal ang pinipilit n’yong modern jeep?

oOo    oOo    oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!