Mahalagang papel ng Japan sa infra development sa Pinas, tinukoy ni PBBM

Mahalagang papel ng Japan sa infra development sa Pinas, tinukoy ni PBBM

March 3, 2023 @ 2:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  mahalagang papel ng Japan pagdating sa infrastructure development sa Pilipinas habang tinintahan ng gobyerno ang  railroad project na co-financed ng Japan International Cooperation Agency sa Asian Development Bank, araw ng Biyernes, Marso 3.

Sinaksihan ng Pangulo ang paglagda sa Contract Package NS-01 (CP NS-01) Electromechanical Systems and Track Works for the North-South Commuter Railway (NSCR) System sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang.

Inaasahan na sa oras na makompleto na ang proyekto ay mababawasan na ang travel time sa pagitan ng Clark International Airport at Calamba City, Laguna.

“I certainly must have thank the government of Japan and the Japan International Cooperation Agency for the financial support in the implementation of the CP NS-01 and for being active partners in the country’s infrastructure development,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

“I can say that without fear of contradiction that the development of the Philippines, especially in terms of infrastructure, has shown that Japan has taken a very, very important part on that,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.

Ang North-South Commuter Railway Extension ay flagship project sa ilalim ng  Build, Build, Build Program,  bahagi ng 147-kilometer North-South Commuter Railway System ay tuloy-tuloy na magkokonekta sa Clark, Pampanga at Calamba, Laguna.

Ani Pangulong Marcos, ang implementasyon ng civil works para sa  CP NS-01 ay makalilikha ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino sa panahon ng konstruksyon.

“It will strengthen what we have seen our weaknesses in the supply chain, that have been brought about by the pandemic economy, that have been brought about by the crisis in Ukraine and that we now must attend to if we are going to be able to say that we will grow the economy, that we will make it stronger, we will make it more sustainable, and we will make it more effective at improving the lives of our countrymen,” ang wika pa ni Pangulong Marcos.

Kasama sa signees ng kontrata ay sina Transportation Secretary Jaime Bautista at Mitsubishi Corporation Executive Vice President Koji Ota.

Para kay Bautista, garantisado na ang Mitsubishi Corporation, winning contractor, gagamitin nang maayos ang P110.4 billion sa pagtatayo ng world-class railway line na gagamitan ng pinakabagong mga pasilidad.

“We expect partial operations of the Malolos to Clark airport section by the third quarter of 2026,” ayon kay Bautista sa hiwalay na talumpati.

“Three years more, or 2029, we should see full operations of the whole NSCR with 35 stations spread across from Clark to Calamba,” aniya pa rin. Kris Jose