Maharlika fund bill, certified as urgent na!

Maharlika fund bill, certified as urgent na!

December 15, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Certified as urgent na ang  panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) bill o House Bill 6608, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Binasa ang mensahe ng Pangulo sa plenary session ng Kamara, ilang minuto matapos aprubhan ang House Bill 6608 sa ikalawang pagbasa sa pamamagitan ng voice vote.

Dahil sa certification, maaaprubahan ng Kamara ang panukala measure sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob ng isang araw.

Nauna nang nanawagan si Finance Secretary Benjamin Diokno kay Pangulong Marcos na i-certify na urgent ang MIF bill.

Naglalaman ang House Bill 6608 ng ilang amendments, kabilang ang mga mungkahi ni House Deputy Minority Leader France Castro na itinataas ang alokasyon ng MIF profits sa social welfare at state subsidies sa mahihirap sa 25% mula sa 20%.

Target ng MIF bill na i-maximize ang investible funds ng state-run financial institutions para sa mas mataas na return on investments, para dumami ang public funds ng bansa.

Kabilang sa source funds nito ang investible funds ng Landbank of the Philippines (LBP) na P50 billion, Development Bank of the Philippines (DBP) na P25 billion, at dividends/profits ng Bangko Sentral ng Pilipinas. RNT/SA