Maharlika fund bill, mahihirapang makalusot sa Senado sa utang ng Pinas – Koko

Maharlika fund bill, mahihirapang makalusot sa Senado sa utang ng Pinas – Koko

December 8, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MAILA, Philippines- Inihayag ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Huwebes na mahihirapang makalusot sa Senado ang panukalang paglikha ng Maharlika Wealth Fund (MWF) na isinusulong ng ilang matataas na lider sa Kamara dahil lubha nang “baon sa utang ang Pilipinas.”

Sa pahayag, sinabi ni Pimente na hindi masyadong pinag-isipan ang MWF bill at minadali matapos nagsagawa ng pagbabago ang ilang nagpanukala sa pagkukunan ng pondo sa gitna ng pagtanggi ng karamihan.

“An idea which keeps on changing because it hasn’t been thought out well and was rushed, will always have a more difficult time in the Senate,” ayon kay Pimentel.

Isinagawa ni Pimentel ang naturang pananaw matapos magdesisyon ang ilang nagpanukala na hindi na kukuha ng pondo sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security Services (SSS) na pawang pribagong pondo na pag-aari ng manggagawa sa pampubliko at pribadong tanggapan.

Sa ngayon, kailangan pang magkaroon ng counterpart bill ang MWF sa Senado.

Iginiit ni Pimentel na walang sobrang pondo ang pamahalaan upang lumikha ng sovereign welfare fund base sa kasalukuyang utang ng bansa.

“Ang gulo nila, basic na basic ‘yan, ‘surplus’ concept and yet even without a surplus they continue to espouse a wealth or investment fund. Ano proof na no surplus? Kaya nga tayo BAON NA SA UTANG,” aniya.

“The Maharlika Fund proposal is weak not only because the arguments for it are weak but the objections against it are strong,” dagdag niya.

Kasalukuyan, umaabot sa P13.517 trilyon ang utang ng bansa. Ernie Reyes