Maharlika Fund ‘di prayoridad–Villanueva

Maharlika Fund ‘di prayoridad–Villanueva

December 8, 2022 @ 8:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi kasama sa priority measures ng Marcos administration ang Maharlika Wealth Funds na isinusulong ng Mababang Kapulungan sa pamumuno ni House Speaker Martin Romualdez sa unang pulong ng   Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) nitong Oktubre, ayon kay Majority Leader Joel Villanueva sa panayam.

Ayon kay Villanueva, hindi itinutulak ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang naturang sovereign wealth fund measure.

“I don’t think so. I was there during the LEDAC meeting which is very fruitful may mga priority measures kami na gusto nang i-tackle sana sa floor,” ayon kay Villanueva. “Wala. Wala do’n. Wala sa listahan. So we’ll see,” giit niya.

Naganap ang LEDAC meeting nitong Oktubre 10 na kung saan inilatag ng Palasyo at mambabatas sa dalawang kapulungan ang Kongreso ang 26 priority bills.

Nakatakda ang panukala sa   House Bill 6398, n a may layunin na gamitin ang ari-arian ng estado para ipamuhunan upang mapabuti ang social services.

Inawtor ang panukala nina  Speaker Martin Romualdez and Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, na kaagad nakalusot sa House committee on banks and financial intermediaries isang araw matapos itong ihain.kabilang sa awtor ng panukala sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos, Tingog party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez and Jude A. Acidre, at Marikina City Rep. Stella Luz A. Quimbo.

Suportado ni Villanueva ang ideya sa paglikha ng  sovereign wealth fund pero, aniya, hindi daapt isama rito ang pension funds mula sa   Government Service Insurance System (GSIS) at  Social Security System (SSS).

“Why not look at the idea of looking [at] our fiscal regime sa mining, ‘yung mga non-renewable industries like mining,” giit niya.  Ernie Reyes