Maharlika fund prone sa money laundering, korapsyon – tax expert

Maharlika fund prone sa money laundering, korapsyon – tax expert

January 25, 2023 @ 1:13 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Prone sa korapsyon at money laundering ang planong Maharlika Investment Fund, sinabi ni Asian Consulting Group Founding Chairman at Chief Tax Advisor Mon Abrea sa panayam ng ANC nitong Miyerkules, Enero 25.

Ang pondo sa IMF ay orihinal na kukunin sana sa pension funds ngunit kalaunan ay inalis matapos makatanggap ng samu’t saring kritisismo mula sa publiko.

Sa revised version nito, kukunin na lamang ang pondo mula sa kita ng mga financial institutions gaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Landbank, at Development Fund of the Philippines.

“I honestly believe there are no other people interested to invest here other than those who want to launder money. The fact that it is not clear then it is an opportunity for those who want to take advantage of us to make money and get away with it. That’s exactly what Maharlika is offering,” ani Abrea.

“It’s not clear, it’s so confusing, there are a lot of immunities or exemptions, who are you exactly attracting? You’re actually attracting those who want to take advantage of it,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ng Maharlika Investment Fund Economic managers na pamumunuan ng mga eksperto sa larangang ito ang naturang pondo, ngunit ipinunto naman ng independent economists na ang tagumpay ng sovereign wealth fund ay nakadepende kung hindi ito masasangkot sa korapsyon.

“There is an issue on transparency and accountability in our government institutions,” sinabi pa ni Abrea, sabay sabi na ang bansa ay kabilang sa kulelat pagdating sa global corruption index.

Maliban dito, marami pang mga napansin si Abrea katulad na lamang ng probisyon ng pagbibigay ng dibidendo sa mga mahihirap na pamilya na hindi dapat aniya maipasa.

“That provision should not be passed into law, how can you appropriate something which is not even there? We’re not even sure if this will make a profit. Why are you allocating it already,” aniya.

“I urge the public, the media and everyone who loves the country to make sure that this law, this proposal will not pass into law initially. It may have some good intentions but it need a thorough review and debate,” dagdag pa nito. RNT/JGC