Maharlika funds, game changer sa bansa – Quimbo

Maharlika funds, game changer sa bansa – Quimbo

December 9, 2022 @ 4:24 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Maituturing na game changer bilang mekanismo ng pangangalap ng pondo ang itatatag na sovereign wealth fund.

Ito nag ipinahayag ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa pagsisimula ng pagdinig ng House Committee on Appropriations kung saan isinalang na sa unang pagkakataon ang panukalang paglikha sa Maharlika Investment Fund (MIF).

“The bill creates an investment vehicle that will pool surplus funds of the government and ensures that it will be managed professional and transparently. Mamumuhunan tayo sa financial investments at sa m ga proyekto na mataas ang tubo pero bitin ang kapital.” ani Quimbo.

Ipinaliwanag pa ng kongresista ang nakalatag na pamamaraan para matustusan ang mga gastusin ng gobyerno, ito ay ang magdagdag ng buwis o mangutang.

“Pero baon na po tayo sa utang. As of September 2022, our debt-to-GDP ratio is at 63.7 percent. At sa hirap ng buhay ngayon, ayaw din naman natin madagdagan pa ng buwis dahil butas na ang bulsa ng ordinaryong Pilipino bunsod ng 8-percent inflation rate as of November,” dagdag pa ni Quimbo.

Ang MIF ay ang ikatlong paraan ayon kay Quimbo upang makalikom ng pondo ang gobyerno na pantustos sa mga programa nito sa pamamagitan ng pamumuhunan o kailangang mag-invest ang gobyerno sa pagsasabing “that is precisely the goal of soverign wealth fund.”

Kabilang sa tinitiyak na safeguards sa panukala ay ang una; inaatasan ang Board of Directors na makipag-ugnayan sa internal at external autditors; pangalawa, ang libro ay dapat nakapaloob sa kapangyarihan ng Copmmission on Audit (COA); pangatlo, ay dapat maisalang sa Congressional Oversight Committee ang pagpapatupad sa anumang panukala ng MIF; pang-apat, ang board ay dapat mag-ulat sa pangulo ukol sa investment performance nito; mataas ang qualifications para maging miembro ng board at pang-anim ay dapat tumayo ang risk management unit upang matiyak na ang korporasyon ay palagiang balanse “risk and rewards.”

Sa pagdinig ay natalakay kung magkano na ang magiging pinal na halaga ng start-up fund ng MIF matapos alisin ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa maaaring pagkunan ng pondo.

Nagpahayag naman ng pagsuporta sa panukala si Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Francisco Dakila, Jr. na nagsabing na handang pondohan ng BSP ang initial funding ng MIF na magmumula sa 100% ng kanilang dibidendo.

Magkagayunman, umapela ang opisyal sa mga mambabatas na oras na mabayaran ng buo ang seed fund, ay hatiin na sa mga susunod na taon ang pupuntahan ng dibidendo.

Samantala, isinulong naman ni Northern Samar Rep. Paul R. Saza na bukod sa GSIS at SSS ay hindi dapat na pagkunan ng pondo ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) subalit nananatiling nasa panukala na mapagkukunan ng pondo ay ang Landbank of the Philippines.

Sinabi ni Daza na nag-uumpisa pa lang nakababangon ang eknomiya mula sa epekto ng pandemya at hindi kakayanin kung kukunin pa sa pambansang budget ang ilang bahagi ng pondo para sa MWF.

Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro na paunang tagumpay na ng mamamayan ang pagtanggal sa GSIS at SSS sa panukalang paglikha ng MWF at aniya’y mainam itong hakbang upang hindi malagay sa peligro ang penyion ng taumbayan.

Giit ni Castro na kung itutuloy ang paglikha ng MWF ay dapat itong pondohan ng wealth tax o buwis mula sa mga mayayaman at hindi pera na pinaghirapan ng pangkaraniwang mamamayan. Meliza Maluntag