Maharlika Investment bill ipinamamadali ni Romualdez kay PBBM

Maharlika Investment bill ipinamamadali ni Romualdez kay PBBM

December 14, 2022 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nais ni House Speaker Martin Romualdez na madaliin na o sertipikahang urgent ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpasa sa kontrobersyal na Maharlika Investment Fund bill.

Sa isang press briefing na isinagawa Miyekules ng umaga, Disyembre 14 dito sa Pilipinas, o Martes ng gabi sa Belgium, sinabi ni Romualdez ang patungkol sa naturang panukala.

“If you ask me why don’t we just certify it as urgent so if you go to Davos we can just talk about having a sovereign wealth passed through the House of Representatives and that will be a very very exciting thing.”

Ani Romualdez, aabot na sa 2/3 ng mga mambabatas ng Kamara ang nagpahayag ng pagsuporta sa Maharlika Investment bill. RNT/JGC