Maharlika Investment Fund prayoridad ng Senado sa 2023 – Villanueva

Maharlika Investment Fund prayoridad ng Senado sa 2023 – Villanueva

December 26, 2022 @ 5:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isa sa top legislative agenda ng Senado sa 2023 ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.

Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva nitong Lunes, Disyembre 26 nang isa-isahin niya ang mga priority measures ng Mataas na Kapulungan.

“In 2023, we foresee the Senate taking up the priority measures of the administration such as the establishment of the Virology Institute, Medical Reserve Corps, and the National Center for Disease Prevention and Control,” ani Villanueva.

“The move for the condonation of agrarian reform payments, as well as the House bill on the Maharlika Investment Fund are also on top of the legislative agenda,” dagdag pa niya.

Tututukan din ng Senado ang institutionalization ng National Employment Recovery Strategy na prayoridad din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na naging maingay kamakailan ang usapin ng Maharlika Investment Fund na naglalayong magtatag ng P275-billion sovereign wealth fund sa bansa na ipinasertipikang “urgent” ng Pangulo. RNT/JGC