Maharot na 13-anyos nahulog sa Ferris wheel

Maharot na 13-anyos nahulog sa Ferris wheel

November 25, 2022 @ 12:42 PM 1 week ago


ILOCOS SUR – Nahulog ang isang 13-anyos na lalaki sa Ferris Wheel at tumama pa sa isang  menor de edad na sakay ng carnival ride sa Narvacan, Ilocos Sur.

Sa kabila ng aksidente, kapwa namang ligtas ang dalawang biktima.

Ayon kay Police major Arcadio Viloria, hepe ng Narvacan Police Station, naghaharutan umano ang nahulog na binatilyo at kasama nito nang mangyari ang insidente at hindi naman nakalas ang metal bar sa upuan.

Ayon sa may-ari ng peryahan, pagsasabihan sana ang mga binatilyo na huwag malikot pero huli na.

Wala namang naging pananagutan ang pamunuan ng peryahan pero ipinatigil na muna ang operasyon nito para masuri ang kaligtasan ng mga sasakay. RNT