Mahigit 500 aftershock naitala sa Masbate quake

Mahigit 500 aftershock naitala sa Masbate quake

February 19, 2023 @ 2:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa 542 ang naitalang aftershock kasunod ng magnitude 6.0 na lindol sa Masbate, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado ng hapon, Pebrero 18.

Sa huling monitoring ng Phivolcs, 105 sa 542 aftershock ang nasa pagitan ng magnitude 1.3 hanggang 4.6, kung saan tanging 30 lamang ang naramdaman.

Itinuturing na isa sa most “seismically active regions in the country” ang Masbate dahil sa pagkakaroon ng aktibong fault nito sa Masbate at Sibuyan Sea segments ng Philippine Fault.

Matatandaan na niyanig ng malakas na lindol ang Batuan, Masbate nitong Huwebes ng madaling araw, Pebrero 16 kung saan naramdaman ang Intensity VII sa lungsod ng Masbate, Intensity V sa Dimasalang, San Fernando, at Uson, Masbate; at Intensity IV sa Legazpi, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, at Pio V. Corpuz sa Masbate; maging ang Irosin, Sorsogon.

Huling naitala ang malakas na lindol sa rehiyon noong Agosto 2020. RNT/JGC