Mahigit 64K na pamilya, nakauwi na sa Marawi

Mahigit 64K na pamilya, nakauwi na sa Marawi

August 9, 2018 @ 8:12 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nakauwi na sa Marawi City ang nasa 64,364 na pamilya makalipas ang mahigit sa isang taon matapos umatake sa Islamic city ang mga teorista, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) kahapon.

Sinabi ni DSWD Acting Secretary Virginia Orogo sa House Committee on Appropriations, sa 77,170 inilikas na pamilya, 64,364 o 83% sa mga ito ang nakauwi na sa Marawi.

Patuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon sa Islamic city na ayon sa estimasyon ay nagkakahalaga ng P72 billion.

Naglaan naman ang DSWD ng P1 billion para sa sustainable livelihood programs upang masuportahan ang mga naapektuhang residente.

Ang labanan sa pagitan ng Islamic State-inspired terrorists at mga tropa ng gobyerno ay nagsimula noong May 23, 2017, nang subukang arestuhin ng mga awtoridad ang wanted na lider ng teroristang si Isnilon Hapilon.

Dahil dito, inilikas ang libo libong pamilya mula sa Marawi dahil sa peligrong dulot ng labanan.

Bukod pa rito, nakapagtala rin ang insidente ng libu-libo namatay kabilang na ang mga sundalo, terorista at mga sibilyan. Remate News Team