Mahigit 65.5M botante inaasahan sa Halalan 2022- Comelec

Mahigit 65.5M botante inaasahan sa Halalan 2022- Comelec

November 25, 2021 @ 5:46 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 65.5 milyon ang inaasahang boboto sa 2022 national at local elections, ayon kay Commission on Elections spokesperson James Jimenez anitong Huwebes.

Sa isang hybrid press conference, inanunsyo ni Jimenez na nakapagdagdag ng 8,147,080 sa registration period para sa Halalan 2022. Kabilang na dito ang nagpa-reactivate ng kanilang rehistrasyon sa Comelec.

“As of today, the projected number of voters for 2022 stands at 65.5 million. Throughout the entire registration process, we added to the list of voters a total of 8,147,080,” pahayag ni Jimenez.

Base pa kay Jimenez, nasa 4,094,614 ang mga bagong botante mula 18 hanggang 21 taong gulang.

Karamihan sa mga bagong rehistrado ay kabilang sa 21 year old age group kung saan 750,578 ay lalaki at 796,891 ang mga babae.

Samantala, nasa  171,033 naman ang bilang ng mga bagong rehistrado na ngayon pa lamang naging 18-anyos.

Ito ay batay sa pinakabagong datos ng Comelec na inilabas pagkatapos ng voter registration period.

Gaganapin ang 2022 national and local elections sa May 9. RNT/SA