Mahigit 700 pamilya inilikas sa bakbakan ng AFP kontra Maute-ISIS sa Lanao del Sur

Mahigit 700 pamilya inilikas sa bakbakan ng AFP kontra Maute-ISIS sa Lanao del Sur

June 18, 2018 @ 11:29 AM 4 years ago


Lanao del Sur – Daan-daang pamilya na ang inilikas sa nagpapatuloy na sagupaan ng Armed Forces of the Philippines laban sa mga natitirang Maute group sa Barangay Guiarong saa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., nagsimula ito alas-9 ng umaga kahapon ng Linggo kung saan gumamit na ng airstrike ang tropa ng pamhalaan para tugisin ang mga natitirang Maute-ISIS member na pinangungunahan ni Humam Abdul Romato Najid, alias Abu Dar.

Sa inisyal na ulat, nasa 723 na pamilya o 3,571 na indibidwal na ang inilikas sa Tubaran at Pagayawan.

Iniutos na ni Governor Bedjoria Soraya Alonto Adiong sa mga local disaster official na ibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga bakwit.

Pinaalalahanan din nito ang publiko na manatiling kalmado at ipagdasal ang kapakanan ng bawat isa

Ang Tubaran ay malapit sa bayan ng Butig kung saan malakas agn pwersa ng Maute-ISIS group.

Si Abu Dar ang bagong emir ng ISIS sa Southeast Asia na pumalit umano kay Isnilon Hapilon na nasawi sa bakbakan sa Marawi City. (Remate News Team)