Mahigit P100B shabu ipinalaman sa marble tiles

Mahigit P100B shabu ipinalaman sa marble tiles

August 29, 2022 @ 10:33 AM 1 month ago


SYDNEY, Australia – Naharang ng Australia police ang shabu na nagkakahalaga ng mahigit $1.1 bilyon o P100B na ipinalaman sa marble tiles na pumasok sa nasabing bansa.

Ayon kay Police Detective Chief Supt. John Watson, unang pumasok ang nasa 748 kilo sa unang linggo ng buwang ito at sumunod ang mahigit 1,060 kilo nitong nakaraang mga araw.

Nanggaling umano ang mga marmol na may lamang shabu sa United Arab Emirates at ipinalaman sa 33 na container.

Napag-alaman pang dadalhin sana ang mga tile at shabu sa isang pabrika ng marmol ngunit naharang na ito sa Port Botany sa Sydney.

Iniimbestigahan na nila kung may nakaraan nang mga pagbiyahe ng mga marmol at shabu sa nasabing pabrika na hindi pa pinangangalanan.

Ayon kay Watson, ito umano ang pinakamalaking bulto ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad, kasunod ng nasa 1.8 toneladang nagmula sa Thailand na naharang din ilang buwan na ang nakaraan ngunit nakapaloob sa mga speaker ng sound system.

Maaari umanong linggo o buwan na suplay ng mga adik ang nasabing bulto ng droga. RNT/FC